BOOKS
G1-BIGKIS
Author/s:
Clorinda Calingasan and Zenaida Leaño-Lucreda
Level/s:
Grade School, Grade 1
Description
Features
Description
Serye ng mga aklat sa Wikang Filipino mula preschool hanggang ikaanim na baitang na pinag- uugnay ang Wika at Pagbasa upang magkaroon ng kabuoan ang pagtuturo ng mga kasanayan sa Sining ng Komunikasyon!
MGA KOMPONENT
- Worktext—Inihanda ang mga aralin sa batayang aklat upang ang pag-aaral ng wikang Filipino ay maging madali, kawili-wili, at mapanghamon. Inaangkop din ang mga aralin sa mga layunin at tungkulin ng isang responsableng mamamayang Pilipino.
- Patnubay ng Guro—Naglalaman ng iba’t ibang estratehikong pamamaraan sa pagtuturo. Nakapaloob din ang mga karagdagang kaalaman at mga sagot sa mga pagsasanay upang maging gabay ng guro sa pagtataya ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Features
- Binigyang-diin ang pinakamahalagang dahilan ng pag-aaral ng wika—ang magamit ito sa komunikasyon!
- Isinasaalang-alang ng Bigkis na may iba’t ibang wika sa bansa kaya’t lahat ng mga aralin ay nagsisimula sa Kasanayang Pangkomunikasyon—binibigyan ng bahaging ito ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magamit ang wikang Filipino upang maipahayag ang kanilang kaisipan at damdamin sa mahusay at malayang paraan
- Ginawang batayan ang tungkulin ng wika (language functions) at ang mga gawi ng pakikipag-usap (speech behavior) sa pagbuo ng mga aralin sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.
- Naglalaman din ng mga pagsasanay na lumilinang sa mga kasanayang pantalasalitaan, pang-unawa, at pambalarila
- Nakabatay ang Bigkis sa paniniwalang ang mga mag-aaral ay may magkakaibang lebel ng karanasan, kakayahan, at kahandaan sa pagkatuto kaya’t inilatag ang mga aralin sa paraang makatutugon sa iba’t ibang intelektuwal na pangangailangan hindi lamang ang mga batang linear ang estilo ng pag-iisip kundi pati na ang mga mag-aaral na global na madaling matuto sa pamamagitan ng larawan, aksiyon, awit, atbp
- Hitik sa mga pagpapahalaga, saloobin, at napapanahong pangangailangan ng bansa tulad ng pagiging makatao, makabansa, makakalikasan, at maka-Diyos