Filipino sa Piling Larang: Akademik— Filipino sa Piling Larang: Akademik—Sasanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko na lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat. Layunin nitong makabuo ng portfolio ng mga orihinal na sulatin tulad ng abstrak, bionote, panukalang proyekto, katitikan ng pulong, at iba pa.