Kinakatawan ng pangalan ng serye ang isang sisidlan o sentrong kinaroroonan
ng yamang materyal ng mga taong pinag-isa ng layuning kanilang itinataguyod........Continue Reading
Kinakatawan ng pangalan ng serye ang isang sisidlan o sentrong kinaroroonan
ng yamang materyal ng mga taong pinag-isa ng layuning kanilang itinataguyod.
MGA KOMPONENT
Batayan at Sanayang Aklat o Worktext
Ang mga aralin sa seryeng Lunday ay nahahati
sa apat na yunit. Itinatampok sa mga aralin para
sa bawat yunit ang bahaging nagtatanong: Ano
ang Kailangan Kong Malaman? Ang teksto, ang
larawan, at mga tanong para maunawaan ang
aralin ay sinusundan ng mga pagsasanay na
dapat sagutin bilang Ebidensiya ng Natutuhan.
Nagtatapos ang paglalahad sa pamamagitan
ng maikling Buod ng Aralin. Nakatutulong
sa pagpapahalaga sa nilalaman ng aklat na
ito ang pagbabalik-aral sa mga pamagat ng
aralin. Nagsisilbing kongklusyon o patnubay sa
pagbubuo ng mahahalagang impresyong tatatak
sa isipan ang mga pamagat na ito.
Teachers Wraparound Edition o Learning Guide
Bawat isang batayang aklat ng seryeng Lunday
ay may kaparehang Teachers Wraparound
Edition o Learning Guide. Nakapaloob dito
ang mga layunin, kagamitan, estratehiya sa
paglalahad ng aralin, at gayundin ang mga
mungkahing pagsusulit para mataya kung
hanggang saan ang naunawaan at kung
paano mailalapat sa tunay na buhay ang
mga natutuhan ng mga mag-aaral. Ang mga
karagdagang impormasyong mababasa sa
Teachers Wraparound Edition o Learning Guide ay lalong makagaganyak sa guro at mga mag-aaral na magsikap para lalong umunlad angkalagayan sa buhay.
Features
Alinsunod sa K to 12 Kurikulum
Paggalang sa mag-aaral: Naglalahad ang aklat ng mga kaalaman, larawan, gawain, at mga tanong na nagsasaalang-alang sa mga katangian, pangangailangan, kakayahan, at interes ng mag-aaral ayon sa kanyang gulang at kulturang kinagisnan.
Nakatutok ang programa sa kabuoang pag-unlad ng mag-aaral: Patnubay sa pagpili at pagsusunod-sunod ng mga tema at aralin sa bawat baitang ang lahat ng aspektong bumubuo sa paglaki at pag-unlad ng isang tao habang kinikilala ang bahaging ginagampanan ng pamilya, kapaligiran, at kultura ng pamayanang kinalakihan ng mag-aaral.
Gumagamit ng mga pagsasanay sa pagsukat ngkabuoang pag-unlad ng mag-aaral: Hindi para lamang sa pagtaya ng academic achievement ng mag-aaral ang mga pagsusulit sa aklat. Ang resulta ng mga pagsusulit ay para matukoy ang mga aspektong kailangan pang paunlarin para maging buo ang personalidad ng mga mag-aaral.
Gumagamit ng mga pagsasanay sa pagsukat ng kabuoang pag-unlad ng mag-aaral: Hindi para lamang sa pagtaya ng academic achievement ng mag-aaral ang mga pagsusulit sa aklat. Ang resulta ng mga pagsusulit ay para matukoy ang mga aspektong kailangan pang paunlarin para maging buo ang personalidad ng mga mag-aaral.
Bahagi ng isang continuum ang mga aralin mula kinder hanggang baitang 6: Papalawak, magkakaugnay, at konstruktibo batay sa mga naging karanasan ng mag-aaral ang mga kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga o values na nililinang sa bawat baitang. Makikita ang spiral progression ng mga aralin sa tulong ng isang matrix o grid na nagpapakita sa vertical at horizontal alignment o pagkakaugnay-ugnay ng mga aralin mula kinder hanggang baitang 6.
Malinaw at tiyak ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto sa bawat baitang: Magkakaugnay, malinaw, at papataas ayon sa baitang na kinauukulan ang mga pamantayang itinakda para sa mga pangkalahatan at mga kaugnay na tema sa mga araling napapaloob sa bawat isang aklat. Sa tulong ng mga gawaing instruksiyonal, mga kagamitan, at mahahalagang tanong, matataya kapwa ng guro at ng mag-aaral kung gaano ang natutuhan at kung hanggang saan naabot ang mga pamantayang pangnilalaman (content standards) at pamantayan sa pagganap (performance standards) na itinakda para sa mga paksang-aralin.
SIBS provides teachers and schools with educational materials and services that enforce high impact learning among students. SIBS Publishing House, Inc. is a part of the Sibal group of companies which includes Phoenix Publishing House, Inc.
This website of SIBS PUBLISHING HOUSE uses cookies to offer you better browsing experience.
By using our website, the button "ACCEPT" means you accept our privacy policy and also the use of cookies. Find out more by clicking "READ PRIVACY NOTICE"
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. This category only includes cookies that ensures basic functionalities and security features of the website. These cookies do not store any personal information.
Any cookies that may not be particularly necessary for the website to function and is used specifically to collect user personal data via analytics, ads, other embedded contents are termed as non-necessary cookies. It is mandatory to procure user consent prior to running these cookies on your website.