Ang mga aralin sa seryeng Lunday ay nahahati sa apat na yunit. Itinatampok sa mga aralin para sa bawat yunit ang bahaging nagtatanong: Ano ang Kailangan Kong Malaman? Ang teksto, ang larawan, at mga tanong para maunawaan ang aralin ay sinusundan ng mga pagsasanay na dapat sagutin bilang Ebidensiya ng Natutuhan. Nagtatapos ang paglalahad sa pamamagitan ng maikling Buod ng Aralin. Nakatutulong sa pagpapahalaga sa nilalaman ng aklat na ito ang pagbabalik-aral sa mga pamagat ng aralin. Nagsisilbing kongklusyon o patnubay sa pagbubuo ng mahahalagang impresyong tatatak sa isipan ang mga pamagat na ito.
Teachers Wraparound Edition o Learning Guide
Bawat isang batayang aklat ng seryeng Lunday ay may kaparehang Teachers Wraparound Edition o Learning Guide. Nakapaloob dito ang mga layunin, kagamitan, estratehiya sa paglalahad ng aralin, at gayundin ang mga mungkahing pagsusulit para mataya kung hanggang saan ang naunawaan at kung paano mailalapat sa tunay na buhay ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. Ang mga karagdagang impormasyong mababasa sa Teachers Wraparound Edition o Learning Guide ay lalong makagaganyak sa guro at mga mag- aaral na magsikap para lalong umunlad ang kalagayan sa buhay.