Aurelia T. Molave, Alice A. Pedracio, Alberto G. Viharin and Carolina P. Danao, PhD
Level/s:
Grade School, Grade 3
DESCRIPTION
FEATURES
DESCRIPTION
Kinakatawan ng pangalan ng serye ang isang sisidlan o sentrong kinaroroonan ng yamang materyal ng mga taong pinag-isa ng layuning kanilang itinataguyod.
MGA KOMPONENT
Batayan at Sanayang Aklat o Worktext Ang mga aralin sa seryeng Lunday ay nahahati sa apat na yunit. Itinatampok sa mga aralin para sa bawat yunit ang bahaging nagtatanong: Ano ang Kailangan Kong Malaman? Ang teksto, ang larawan, at mga tanong para maunawaan ang aralin ay sinusundan ng mga pagsasanay na dapat sagutin bilang Ebidensiya ng Natutuhan. Nagtatapos ang paglalahad sa pamamagitan ng maikling Buod ng Aralin. Nakatutulong sa pagpapahalaga sa nilalaman ng aklat na ito ang pagbabalik-aral sa mga pamagat ng aralin. Nagsisilbing kongklusyon o patnubay sa pagbubuo ng mahahalagang impresyong tatatak sa isipan ang mga pamagat na ito.
Teachers Wraparound Edition o Learning Guide Bawat isang batayang aklat ng seryeng Lunday ay may kaparehang Teachers Wraparound Edition o Learning Guide. Nakapaloob dito ang mga layunin, kagamitan, estratehiya sa paglalahad ng aralin, at gayundin ang mga mungkahing pagsusulit para mataya kung hanggang saan ang naunawaan at kung paano mailalapat sa tunay na buhay ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. Ang mga karagdagang impormasyong mababasa sa Teachers Wraparound Edition o Learning Guide ay lalong makagaganyak sa guro at mga mag-aaral na magsikap para lalong umunlad angkalagayan sa buhay.
FEATURES
Alinsunod sa K to 12 Kurikulum
Paggalang sa mag-aaral: Naglalahad ang aklat ng mga kaalaman, larawan, gawain, at mga tanong na nagsasaalang-alang sa mga katangian, pangangailangan, kakayahan, at interes ng mag-aaral ayon sa kanyang gulang at kulturang kinagisnan.
Nakatutok ang programa sa kabuoang pag-unlad ng mag-aaral: Patnubay sa pagpili at pagsusunod-sunod ng mga tema at aralin sa bawat baitang ang lahat ng aspektong bumubuo sa paglaki at pag-unlad ng isang tao habang kinikilala ang bahaging ginagampanan ng pamilya, kapaligiran, at kultura ng pamayanang kinalakihan ng mag-aaral.
Gumagamit ng mga pagsasanay sa pagsukat ngkabuoang pag-unlad ng mag-aaral: Hindi para lamang sa pagtaya ng academic achievement ng mag-aaral ang mga pagsusulit sa aklat. Ang resulta ng mga pagsusulit ay para matukoy ang mga aspektong kailangan pang paunlarin para maging buo ang personalidad ng mga mag-aaral.
Gumagamit ng mga pagsasanay sa pagsukat ng kabuoang pag-unlad ng mag-aaral: Hindi para lamang sa pagtaya ng academic achievement ng mag-aaral ang mga pagsusulit sa aklat. Ang resulta ng mga pagsusulit ay para matukoy ang mga aspektong kailangan pang paunlarin para maging buo ang personalidad ng mga mag-aaral.
Bahagi ng isang continuum ang mga aralin mula kinder hanggang baitang 6: Papalawak, magkakaugnay, at konstruktibo batay sa mga naging karanasan ng mag-aaral ang mga kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga o values na nililinang sa bawat baitang. Makikita ang spiral progression ng mga aralin sa tulong ng isang matrix o grid na nagpapakita sa vertical at horizontal alignment o pagkakaugnay-ugnay ng mga aralin mula kinder hanggang baitang 6.
Malinaw at tiyak ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto sa bawat baitang: Magkakaugnay, malinaw, at papataas ayon sa baitang na kinauukulan ang mga pamantayang itinakda para sa mga pangkalahatan at mga kaugnay na tema sa mga araling napapaloob sa bawat isang aklat. Sa tulong ng mga gawaing instruksiyonal, mga kagamitan, at mahahalagang tanong, matataya kapwa ng guro at ng mag-aaral kung gaano ang natutuhan at kung hanggang saan naabot ang mga pamantayang pangnilalaman (content standards) at pamantayan sa pagganap (performance standards) na itinakda para sa mga paksang-aralin.