Paggalang sa mag-aaral: Naglalahad ang aklat ng mga kaalaman, larawan, gawain, at mga tanong na nagsasaalang-alang sa mga katangian, pangangailangan, kakayahan, at interes ng mag-aaral ayon sa kanyang gulang at kulturang kinagisnan.
Nakatutok ang programa sa kabuoang pag-unlad ng mag-aaral: Patnubay sa pagpili at pagsusunod-sunod ng mga tema at aralin sa bawat baitang ang lahat ng aspektong bumubuo sa paglaki at pag-unlad ng isang tao habang kinikilala ang bahaging ginagampanan ng pamilya, kapaligiran, at kultura ng pamayanang kinalakihan ng mag-aaral.
Gumagamit ng mga pagsasanay sa pagsukat ngkabuoang pag-unlad ng mag-aaral: Hindi para lamang sa pagtaya ng academic achievement ng mag-aaral ang mga pagsusulit sa aklat. Ang resulta ng mga pagsusulit ay para matukoy ang mga aspektong kailangan pang paunlarin para maging buo ang personalidad ng mga mag-aaral.
Gumagamit ng mga pagsasanay sa pagsukat ng kabuoang pag-unlad ng mag-aaral: Hindi para lamang sa pagtaya ng academic achievement ng mag-aaral ang mga pagsusulit sa aklat. Ang resulta ng mga pagsusulit ay para matukoy ang mga aspektong kailangan pang paunlarin para maging buo ang personalidad ng mga mag-aaral.
Bahagi ng isang continuum ang mga aralin mula kinder hanggang baitang 6: Papalawak, magkakaugnay, at konstruktibo batay sa mga naging karanasan ng mag-aaral ang mga kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga o values na nililinang sa bawat baitang. Makikita ang spiral progression ng mga aralin sa tulong ng isang matrix o grid na nagpapakita sa vertical at horizontal alignment o pagkakaugnay-ugnay ng mga aralin mula kinder hanggang baitang 6.
Malinaw at tiyak ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto sa bawat baitang: Magkakaugnay, malinaw, at papataas ayon sa baitang na kinauukulan ang mga pamantayang itinakda para sa mga pangkalahatan at mga kaugnay na tema sa mga araling napapaloob sa bawat isang aklat. Sa tulong ng mga gawaing instruksiyonal, mga kagamitan, at mahahalagang tanong, matataya kapwa ng guro at ng mag-aaral kung gaano ang natutuhan at kung hanggang saan naabot ang mga pamantayang pangnilalaman (content standards) at pamantayan sa pagganap (performance standards) na itinakda para sa mga paksang-aralin.
FEATURES
Binigyang-diin ang pinakamahalagang dahilan ng pag-aaral ng wika—ang magamit ito sa komunikasyon!
Isinasaalang-alang ng Bigkis na may iba’t ibang wika sa bansa kaya’t lahat ng mga aralin ay nagsisimula sa Kasanayang Pangkomunikasyon—binibigyan ng bahaging ito ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magamit ang wikang Filipino upang maipahayag ang kanilang kaisipan at damdamin sa mahusay at malayang paraan
Ginawang batayan ang tungkulin ng wika (language functions) at ang mga gawi ng pakikipag-usap (speech behavior) sa pagbuo ng mga aralin sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.
Naglalaman din ng mga pagsasanay na lumilinang sa mga kasanayang pantalasalitaan, pang-unawa, at pambalarila
Nakabatay ang Bigkis sa paniniwalang ang mga mag-aaral ay may magkakaibang lebel ng karanasan, kakayahan, at kahandaan sa pagkatuto kaya’t inilatag ang mga aralin sa paraang makatutugon sa iba’t ibang intelektuwal na pangangailangan hindi lamang ang mga batang linear ang estilo ng pag-iisip kundi pati na ang mga mag-aaral na global na madaling matuto sa pamamagitan ng larawan, aksiyon, awit, atbp
Hitik sa mga pagpapahalaga, saloobin, at napapanahong pangangailangan ng bansa tulad ng pagiging makatao, makabansa, makakalikasan, at maka-Diyos.