DESCRIPTION
Pambungad sa Pilosopiya ng Tao Ang Pamimilosopiya sa Pagpapakatao ay isinulat nang alinsunod sa layunin ng
Kagawaran ng Edukasyon tungkol sa pagbibigay halaga sa kritikal at analitikal na pag-iisip
na ginagawa sa pilosopiya. Magbubukas ang libro sa pamamagitan ng pagtitiyak sa magaaral na kaya niyang mamilosopiya. Nilalayon din ng libro na maipakita sa mag-aaral na
ang pilosopiya ay hindi isang malalim na araling walang kinalaman sa pang-araw-araw
na pamumuhay. Nais ng librong maiparamdam sa mambabasa na ang pamimilosopiya ay
isang gawaing may halaga at dapat paglaanan ng panahon. Hindi purong impormasyon
ang laman ng libro kundi maituturing itong parang isang usapan na nagbubunsod ng mga
tanong, pagmumulat at diskursong umiinog sa mga tanong na hindi kayang sagutin ng
Google.
Ang nilalaman at paraan ng pagkakasulat ng aklat ay sadyang idinisenyo upang
magkaroon ito ng kakayahang maging kapaki-pakinabang at makahulugan para sa lahat
ng uri ng mambabasa, mayaman man o mahirap, babae o lalaki, relihiyoso man o hindi.
Ang aklat na ito ay may kasamang Teachers Wraparound Edition, ang bagong anyo ng
gabay sa pagkatuto. Kalakip na sa TWE ang mapa ng kurikulum.